|
|
Wikipedia:Mga panuntunan sa pagtatala ng bagong balita
Ito ang mga paunang gabay at panuntunan sa pagtatala ng mga bagong balita na napapabilang sa Mga Kasalukuyang Kaganapan ng Unang Pahina:
[baguhin] Mga panuntunan sa pagtatala ng bagong balita
Bago magtala, maaari lang pong alamin muna ang mga sumusunod na panuntunan:
- Pakisulat ang mga balita sa pangkasalukuyang anyo.
- Itala lamang ang mga balita na may sanggunian. Ang mga balita na walang kawing panlabas ay dapat tanggalin.
- Ang balita ay dapat isulat sa Tagalog, maliban lang kung ang mga salita ay walang katumbas. Ingles dapat ang gamitin sa mga ganung salita.
- Para sa bawat paksa ng balita, pakilagyan ng kawing patungo sa artikulong nakasulat na sa loob ng Wikipedia. Kung wala pa, kailangan magawaan po ito.
- Itala ang mga kaarawan o kamatayan ng mga kilalang tao sa nararapat na kahon.
- Huwag pong gumawa ng mga kawing (link) sa mga website na binabayaran.
- Huwag po gumamit ng kawing na pambalita mula sa Yahoo! dahil madali silang palitan.
- Kailangan may larawan (mula sa commons; sukat: 100px; ilagay sa kanang itaas na bahagi) ang isang paksang balita, kung maaari para sa mas bagong talang balita. Ituro sa larawan ang linyang naglalarawan sa paksa sa pamamagitan ng paglalagay ng nakalarawan o nasa larawan (kung ano ang naaangkop), pagkaraan ng paksa.
- Dapat na sumasakop ang mga paksa ng balita mula sa buong mundo.
[baguhin] Paano magdagdag ng bagong araw
{{Kasalukuyang pangyayari/2006 Setyembre 26}}
- Alisin ang huling araw na listahan. mag-iwan lamang ng 7 araw ng balita.
- Sa pahina ng buwan ng balita (halimbawa: Setyembre 2006), idagdag ang bagong araw sa ganitong anyo:
{{Kasalukuyang pangyayari/2006 Setyembre 26}}
- Kung ang bagong araw ay isang pulang kawing (o "red link"), ganito ang anyo ng ilalagay sa bagong pahina:
{{subst:Kasalukuyang pangyayari simula|2006|Setyembre|26|Martes}}
- Ito ang resulta: para sa araw ng Martes, ika-26 ng Setyembre 2006
[baguhin] Mga mapagkukunan ng mga balita
Maaaring humanap ng mga bagong balita sa mga sumusunod na kawing. Mga mungkahi lamang ang mga ito. Nakahanay sila ayon sa alpabeto. Maaaring magdagdag ng mga maimumungkahing iba mainam na mapaghahanguan ng mga balita, partikular na ang nasa wikang Tagalog.
|
|
Maari lang po na bisitahin din ang Wikinews upang bumasa at sumulat ng mga artikulong pambalita.
|
|