Rio de Janeiro

Rio de Janeiro
Rio de Janeiro
Tungkol sa lungsod sa Brazil ang artikulong ito. Para sa estado na may katulad na pangalan, tingnan Rio de Janeiro (estado).

Ang Rio de Janeiro ("Ilog ng Enero", binibigkas [ˈhiw dʒi ʒʌˈnejɾu] sa Portuges, /ˈriːoʊ deɪ ʒəˈnɛroʊ/ sa Ingles) ay ang panglawang pangunahing lungsod sa Brazil, pagkatapos ng São Paulo. Kabisera ang lungsod ng estado ng Rio de Janeiro. Naging kabisera ito ng Brazil (1763–1960) at Imperyong Portuges (1808–1821). Karaniwang kilala bilang Rio lamang, palayaw din ng lungsod ang bansag na A Cidade Maravilhosa - "Ang Kamangha-manghang Lungsod".

Sikat ang lungsod na ito sa likas na tanawin, mga pagdiriwang Karnabal, samba at ibang musika, mga pang-turistang dalampasigan na may mga otel, katulad ng Copacabana at Ipanema, na nakalatag sa itim at kremang nakatirintas na huwarang mosaiko. Isa sa mga kilalang mga muhon (landmark) ang higanteng rebulto ni Jesus, kilala bilang 'Cristo Redentor' (Kristong Tagapaglistas) sa tuktok ng bundok Corcovado.


lodówki electrolux Dowcipy Podręczniki - Księgarnia ogłoszenia nieruchomości Bajki Ośrodek Odwykowy Zakłady Bukmacherskie STS Muzyka zakłady bukmacherskie Teledyski powiększanie ćwiczenia Tom Tom GO 910 Bilety SAMOCHODY Darmowe Tapety Na Komórkę kick koparki Bułgaria wczasy Karaoke tani kredyt hipoteczny COOLsurf